Ang pinakakilalang regalo na ibinagay
noong unang pasko ay Ginto, Kamanyang at mira, ito ay galing sa tatlong hari.
Ngunit maraming nagsasabi na mayroon daw ika-apat na hari, siya ay
nagngangalang Artaban. Si Haring Artaban
at mula sa Persia, bitbit iya ang kanyang mga regalo para sa bagong
hari. Siya ay may dalang sapphire, ruby at perlas.
Habang nasa daan si Haring Artaban, Siya
ay nakakilala ng isang matandang hudyo. Ang matandang hudyo ay halos mawalan ng
lakas sa iniindang lagnat. Si Haring Artaban ay nagdesisyon na tulungan ang
matandang hudyo dahil dito ay hindi niya naabutan ang tatlong hari na papuntang
timog.
Sinabi ng matandang hudyo na ang bagong
hari ay ipapanganak sa Bethlehem. Ibineneta ni Haring Artaban ang dala niyang
sapphire para sa bagong hari upang makalikom ng pera para sa pagpapagamot sa
matandang hudyo. Ito ay nadiskubre ng matandang hudyo ng makaalis na si Haring
Artaban papuntang Bethlehem.
Nangmakarating na si Haring Artaban sa
Bethlehem, napagalaman niya na lumisan na ang tatlong hari tatlong araw bago
siya makarating. Isang babae ang nagbigay inpormasyon kay Haring Artaban na
lumisan na rin ang pamilyang hinahanap nito, at ang mga tao ng Bethlehem ay
nababalisa dahil sa isang kuro kuro na sila ay parurusahan ni Haring Herod.
Habang nasa Bethlehem si Haring Artaban,
siya ay nagiisip ng gagawin, dumating ang mga kawal na naguutos na patayin
lahat ng lalaking sanggol na kanilang makikita. Ang babae na kaibigan na ni
Haring Artaban ay nangangamba para sa kanyang lalaking sanggol, nang ito ay
makita ng lider ng mga kawal, agad niyang ipinag-utos na patayin ang sanggol. Si Haring Artaban ay
dumating at sinagip ang mag-ina. Ibinigay ni Haring Artaban ang ruby na kanyang
dala at ipinangbayad sa buhay ng
lalaking sanggol.
Dahil dito natitira na lamang ay isang
regalo, ang perlas. Ngunit ito ay hindi naging balakid upang itigil ang
paghahanap sa bagong hari. Matapos ang tatlumpung taong paghahanap, Si Haring
Artaban ay nakarating ng Herusalem. Ang buong siyudad ay mainit na
pinag-uusapan ang tungkol kay Hesus na nagsasabing siya raw ay anak ng Diyos.
Si Hesus ay nalalabing ma-ipako sa krus dahil dito.
Si Haring Artaban ay nagiisip-isip kung
maililigtas niya si Hesus gamit ang natitirang perlas na dala niya. Sa
pagbagtas sa kalye ng Herusalem ay nakita niya ang isang batang umiiyak.
Kinausap ng babae si Haring Artaban at sinabi na kaya siya umiiyak ay dahil
siya ipangbabayad sa utang ng kanyang ama.
Dahil sa bait at awa ni Haring Artaban sa
batang babae ay ibinigay niya ang huling regaling kanyang dala para sa bagong
hari. Sa mga oras na iyon ay dumaan si Hesus na nakapasan sa kanyang likod ang
krus papunta sa tuktuk ng bundok kung saan siya ipapako. Tumingin si Hesus sa
mukha ni Haring Artaban, nakita ni Hesus sa mukha ni Artaban ang tatlong
malaking luha ng dugo na tulad ng sapphire, ruby at perlas.
Sa mga oras na iyon, napagtantuan ni
Haring Artaban na nasa harapan na niya ang bagong hari na kanya nang matagal na
hinahanap. Naisip ni Haring Artaban, na
kahit hindi man niya nabigyang pugay at
naibigay ang kanyang mga regalo kay Hesus mabuti naman na ito ay nakatulong sa
ibang tao, at dahil dito ay parang natulungan na rin niya si Hesus.