Si Jim Dillingham Young at ang kaniyang kasama
sa buhay na babaeng si Della ay isang nakababatang mag-asawang may labis na
pag-ibig sa bawat isa.
Subalit hindi nila halos maabot ang halaga ng arkila para sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa labis na kalagayang pangkabuhayan. Isa itong tirahang katabi ng nakaangat na riles ng tren.
Para sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim
ng isang tanikala para pinahahalagan nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama
nito. Nagkakahalaga ng dalampung dolyar ang tanikala.
Ipinaputol
ni Della at ipinagbili ang kaniyang pinahahalagahang mahabang buhok na umaabot
sa kaniyang tuhod para makalikom ng salaping may ganoong halaga, Ibinenta niya
ito sa tagagupit para magawang peluka ng ibang tao.
Samantala, nagpasya naman si Jim na ipagbili ang
kaniyang orasan para maibili si Della ng magandang mga pangkat ng suklay na
yari pa sa mga kabibe ng pawikan, para magamit ni Della sa kaniyang mahabang kayumangging
buhok.
Bagaman
kapwa sila nalungkot dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay para sa
isa't isa, nakuntento namang ang bawat isa sa mga natanggap nilang mga handog,
dahil kumakatawan ang mga ito kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.