Tuesday, 14 October 2014

THE FOURTH WISE MAN


Ang pinakakilalang regalo na ibinagay noong unang pasko ay Ginto, Kamanyang at mira, ito ay galing sa tatlong hari. Ngunit maraming nagsasabi na mayroon daw ika-apat na hari, siya ay nagngangalang Artaban. Si Haring Artaban  at mula sa Persia, bitbit iya ang kanyang mga regalo para sa bagong hari. Siya ay may dalang sapphire, ruby at perlas.

Habang nasa daan si Haring Artaban, Siya ay nakakilala ng isang matandang hudyo. Ang matandang hudyo ay halos mawalan ng lakas sa iniindang lagnat. Si Haring Artaban ay nagdesisyon na tulungan ang matandang hudyo dahil dito ay hindi niya naabutan ang tatlong hari na papuntang timog.

Sinabi ng matandang hudyo na ang bagong hari ay ipapanganak sa Bethlehem. Ibineneta ni Haring Artaban ang dala niyang sapphire para sa bagong hari upang makalikom ng pera para sa pagpapagamot sa matandang hudyo. Ito ay nadiskubre ng matandang hudyo ng makaalis na si Haring Artaban papuntang Bethlehem.

Nangmakarating na si Haring Artaban sa Bethlehem, napagalaman niya na lumisan na ang tatlong hari tatlong araw bago siya makarating. Isang babae ang nagbigay inpormasyon kay Haring Artaban na lumisan na rin ang pamilyang hinahanap nito, at ang mga tao ng Bethlehem ay nababalisa dahil sa isang kuro kuro na sila ay parurusahan ni Haring Herod.

Habang nasa Bethlehem si Haring Artaban, siya ay nagiisip ng gagawin, dumating ang mga kawal na naguutos na patayin lahat ng lalaking sanggol na kanilang makikita. Ang babae na kaibigan na ni Haring Artaban ay nangangamba para sa kanyang lalaking sanggol, nang ito ay makita ng lider ng mga kawal, agad niyang ipinag-utos  na patayin ang sanggol. Si Haring Artaban ay dumating at sinagip ang mag-ina. Ibinigay ni Haring Artaban ang ruby na kanyang dala  at ipinangbayad sa buhay ng lalaking sanggol.

Dahil dito natitira na lamang ay isang regalo, ang perlas. Ngunit ito ay hindi naging balakid upang itigil ang paghahanap sa bagong hari. Matapos ang tatlumpung taong paghahanap, Si Haring Artaban ay nakarating ng Herusalem. Ang buong siyudad ay mainit na pinag-uusapan ang tungkol kay Hesus na nagsasabing siya raw ay anak ng Diyos. Si Hesus ay nalalabing ma-ipako sa krus dahil dito.

Si Haring Artaban ay nagiisip-isip kung maililigtas niya si Hesus gamit ang natitirang perlas na dala niya. Sa pagbagtas sa kalye ng Herusalem ay nakita niya ang isang batang umiiyak. Kinausap ng babae si Haring Artaban at sinabi na kaya siya umiiyak ay dahil siya ipangbabayad sa utang ng kanyang ama.

Dahil sa bait at awa ni Haring Artaban sa batang babae ay ibinigay niya ang huling regaling kanyang dala para sa bagong hari. Sa mga oras na iyon ay dumaan si Hesus na nakapasan sa kanyang likod ang krus papunta sa tuktuk ng bundok kung saan siya ipapako. Tumingin si Hesus sa mukha ni Haring Artaban, nakita ni Hesus sa mukha ni Artaban ang tatlong malaking luha ng dugo na tulad ng sapphire, ruby at perlas.

Sa mga oras na iyon, napagtantuan ni Haring Artaban na nasa harapan na niya ang bagong hari na kanya nang matagal na hinahanap.  Naisip ni Haring Artaban, na kahit hindi man niya nabigyang pugay  at naibigay ang kanyang mga regalo kay Hesus mabuti naman na ito ay nakatulong sa ibang tao, at dahil dito ay parang natulungan na rin niya si Hesus.